Showing posts with label Alamat ng mga Hayup. Show all posts
Showing posts with label Alamat ng mga Hayup. Show all posts
0

Alamat ng Buwaya

Pagtatanim at pagbebenta ng gulay ang kinabubuhay ng magasawang Waldo at Busyang na parehong masipag at mabait.kung paguugsli ang paguusapan ay walang maiipipintas sa magasawang ito,maliban na lamang sa pisikal na anyo,napakapangit kase ng babae at napakapandak naman ng lalake.Gayunpamana,ang kapintasang iyon ay hindi nakikita ng mga tao dahil sa kagandahag loob na ipina mamalas ng mag-asawa.Bilang ganti
ng langit sa mga kabutihan nina Waldo at Busyang,sila ay pinagkalooban ng isang anak na pagkaganda-ganda.Tibig ng ligaya ang puso ng
mag-asawa sa pag kakaroon ng maipagmamalaking anak.Nakiisa naman sa kanilang kagalakan ang mga kapitbahay.Mrami ang nagpasalamat
dahil hindi naging kamukha ng sanggol ang kanyang ama at ina.Palibhasa kaaya-ayang pagmasdan ang magandang mukha ng anak nila na
pinangalanan na Aya.Di kalaunan,habang lumalaki ang bata,napapansin nilang ito nagiging salbahe,napakasinungaling at maramot.Dahil sa ugali
ni Aya na hindi maganda,sya ngayon ay kinaiinisan ng mga taong dati ay sa kanya pumupuri.Sa pagdadalaga ni Aya ay lalo itong naging
mapagmataas, utos at bilin ng magulang ay hindi nito pinakikinggan,sa halip kung ano ang pinagbabawal at masamaay sya nitong ginagawa. Anak,
iwasan mo si Don Segundo,baka ikaw ay mapahamak,pagpapaalaala ng nangangambang ina. Tse,anong pakialam nyo?Bakit maibibigay ba ninyo
ang naibibigay sa akin ni Don Segundo?,sagot ni Aya.Upang huwag nang lumaki ang gulo ay tumahimik na lang si Busyang,nagpatuloy naman sa
pakikipagtagpo sa mayamang Don Segundo ang ambisyosang anak.Hanggang isang araw,natuklasan nila na nagdadalantao si Aya,sa pagkakataong
ito ay nagawa pa ring magtimpi ng ama,hindi sinumbatan ang dalagang nagkamali.Masakit para sa isang ina ang sinapit ng kanyang anak ngunit
masaya sa kaloobang tinanggap iyon ni Busyang.Baka sakaling magbago si Aya kung ito ay isa na ring ina.Dtapwat mali sila ng akala,sapagkat ang
anak ay hindi nagbago,nangyari pa nagmistulang itong reyna kung utusan ang ama at ina.madalas ang anak pa ang nagagalit kapag ang pagkaing
maibigan ay hindi agad maibigay.Isang araw,kararating pa lang ng mag-asawa mula sa psgtitinda ng gulay,galing sa kuwarto ay lumabas si Aya at
hiningi ang ipinagbiling prutas,humingi ng paumanhin ang inang makakalimutin subalit nagsiklab sa galilt ang anak na sutil at Puwee!,pangit na
nga kayo ay mangmang pa!walang silbi,bumalik ka sa bayan ngayon din!,bulyaw nito sa ina,kagyat nasumagot ang amang nangingitngit,ngunit sya
man ay pinagwikaan din ni Aya.Ang kasamaan ng anak ay kaya pa nilang pagtiisan ngunit ang paglalait at paghamak sa kanila bilang magulang ay
hindi na nya mapalampas,labis-labis na ang ginawa nilang pagbibigay,hindi naman sila nagkulang ng pangaral at pagtuturo kay Aya subalit bakit
lumaki itong matigas ang ulo?Sa sama ng loob ng ama,ang irog na anak ay kanyang naitulak,sa pagkakatumba ni Aya,nanlilisik pa ang mga
matang tumingin sa ama. Paaptayin ko kayo! pagbabanta nito habang tumatayo. Kung kasamaan pa rin ang nasa iyong pagiisip,sanay huwag ka
nang makatayo. Ito ang nabigkas ni Waldo,mga katagang mula sa kanyang puso na punom-puno ng hinanakit.Dinig ng langit ang hiling ni Waldo
upang ang paghihirap nila ay mabigyan ng wakas.Ang parusang angkop sa suwail na anak ay iginawad,hindi na nga nakatindig si Aya at sa
inis nito ay gumapang patungong hagdanan. Lumayo kayo sa akin.wala akong magulang tulad ninyo!,lalayas na ako sa bahay na ito.Tandaan
ninyo,kapag nagkaroon ako ng pagkakataon,papatayin koo kayo! Pagapang na bumaba ng hagdanan ang anak,sa pagsayad ng mga kamay
nito sa lupa ay unti-unti itong nagbago,Nagkataon namang may mga nagdaraan at kltang-kita nila ang nagaqanap na nagdadalan-taong si Aya,
parang itinulos sa pagkakatayo ang mag-asawa at di malaman ang gagawin. Diyos ko,ano po itong nangyayari sa aming anak? Napasigaw ang mga
naguusyoso ng Dambuhalang bayawak!Subalit sa kabangisang ipinakita nito ng sakmalin ang nakataling kambing ay napagtanto nilang hindi bayawak
kundi mabangis na hayop.sa takot mamatay ay nagmadaling tumakas si Aya,mula noon buwaya na ang tawag sa ito,ang galit ng unang buwaya sa
kanyang mga magulang at sa tao ay nagpasalin-salin sa lahat ng buwaya hanggang sa kasalukuyan na panahon.

Read more...

1

Alamat ng Tandang

Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.

Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.

May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.

Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.

Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang nagbibigayan at may respeto sa isa't isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat at naggagalangan.

Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.

Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.

Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.

Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita, kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.

Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng Sundalong Orasan sa madaling araw.

Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang Sundalong Orasan.

Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.

"Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan."

"Pa...patawad po, Bathalang Sidapa."

"Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob. Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!"

Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong parang nanggigising.

Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.

Ito ang pinagmulan ng alamat ng Tandang.

Read more...

1

Alamat ng Paro Paro

May isang diwatang may napakapangit! Ang mukha niya'y mapula at kulobot. Ang mga mata'y singningas ng apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya'y pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad.

Ang kanyang bahay ay nakatayo sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito ang lahat ng kulay ng bahag-hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring halamanang namulmulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig. Ang mga punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng silahis ng araw.

Isang umaga, isang batang lalaki't isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan.Sila'y maralita at hindi napasok sa paaralan. Sila'y nagging palaboy at walang tirahan. Sila'y nagpapasasa sa hirap upang may makain.

Sa kabila ng lahat ng kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang,"Ang lagit ay asul at ang bunkok ay lunti." Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis sila'y nakakpagsalita ng, Matigas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay parang panaginip." Ang mga nakikita nlang tanawin araw-araw ay sapat ng magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang panakip sa pangangailangan.

Sila'y naglibot at naakita ang bahay ng diwata." Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon," sabi ng batang lalaki.

"Nakikita ko, Malakas," ang sagot. "May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy," ang dugtong pa.

"Tayo na pumasok sa hardin,"ang alok ni Malakas.

"Walang tumitira rito," ang sagot ni Ligaya.

Binuksan ng dalawa ang tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandaali, sila,y hintakot nguni't lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila'y namupol ng mga bulakla. Si Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si Ligaya ng maatamisna bunga.

"Walang nakatira rito!"

"Oo,noong ako'y bata pa, may isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol sa lunang katulad nito. Huwag na tayong umaalis," Sabi ni Ligaya.

"Ako'y ulila ng lubos. Walang maghahanap sakin," Sabi ni Maalaakas,

"Gayon din ako," sagot ni Ligaya.

"Ako'y paalibot-libot upang humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang loobang ito."

Naligayahan ang mga bata kaya lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon.

Sa-darating ang diwatang galling sa dalampasigan. Siya'y hihingkod-hingkod. Siya'y langhap ng langhap pagka'tmay naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot.

"Bakit kayo naaangahas pumasok dito?" ang bungad na tanong. "Ano ang ginagawa ninyo?" patuloy pa.

Natakot sina Malakas aat Ligaya. Sila'y nanginig sa takot.

"Bakit ninyo pinupol ang aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda.

Naglakas loob na sumagot si Malakas, "Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming...gusto ang...mga prutas..."

"Bakit hindi muna kayo humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!"

"Inaamin po amin an gaming kasalanan. Kami po'y handing magbayad. Kami po'y mga ulila. Gawin po ninyo kaming alila! Handa kaming magsilbi!"

Pinagulong-gulong ng diwata ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang kanyang katawan, pinangiwi-ngiwi ang mga labi at nag-isip.

"Nauunawaan ko. Pakikinabbangan ko kayo."

Siya'y bumulong ng mga salitang maysa-engsekto at nammangha ang dalawang bata.Siya kapagkarakay ay nagging isang maganndang diwata. Sila'y may tangang mahiwagang baston na may nakakabit na bituin sa dulo.

Patakang nagsalita si Malakas, "Oh, magandang diwata!"

Ibinaba ni Ligaya ang kanyang mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya nang harapan aang diwata. Siya'y may taangang mga bagwis na yari sa bulaklak.

"Yayamang maawilihin kayo sa buulaklak, kayo'y gagawin kong haaaardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang aking mga bulaklak at maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga!"

Dinantayan ng diwata ng kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila'y nagkapakpak. Sila'y nagpadapo-dapo sa mga halaman.

"Ako ngayo'y magandang paru-paro!" sabi ni Malakas.

"Ako rin!" sang-ayon Ligaya. "Masdan mo aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel!"

"Sa halamanang ito tayo mabubuhay ng mahabang panahon!" sabi ni Malakas, "sapagka't tayo ngayo'y mga paruparo ng diwata!"

Read more...

0

Alamat ng Matsing

Sa mayamang kaharian, noong unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si Prinsesa Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.

Ngunit sa likod ng kanyang kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at suplada. Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.

"Ayoko sa mga taong pangit! Palayasin sila sa palasyo!" ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng pangit sa palasyo.

Dahil sa prinsesa, ang lahat lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng palasyo. At ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.

Sa paglipas ng panahon, dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. At naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa ibaaa't ibang kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe, upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang mapangasawa ng ng prinsesa.

Di nagtagal, nagsimjula ng mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay tumayo sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng prinsesa, at ito'y si Prinsipe Algori.

Si Prinsipe Algori ay isang napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe, ay may nakita siya na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran nito.

Hindi napigilan ng prinsesa ang sarili.

"Sino ka? Hindi ka nahiya saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang pinanggalingan mo!" ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.

"Siya ang aking napili! Si Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa," ang agad na idinugtong nito sabay turo kay Prinsipe Algori.

Masayang lumapit si Prrinsipe Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na prinsipe.

"Ano pa ang hinihintay mo! Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!" ang muling bulyaw ng prinsesa na tila nandidiri.

Malumanay na nagsalita ang prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano ang ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali," ang wika nito.

Bigla ay nagbago ang anyo ng prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay Prinsipe Algori.

Namangha ang lahat, sapagkat ang pangit na prinsipe ay ang "Diyos pala ng Kakisigan." Bumababa ang isang kumpol ng ulap, at sumakay rito ang "Diyos na Kakisigan," at tuluyan nang lumisan.

Nanghinayang ang lahat lalo na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si Prinsesa Amapela bagay na hindi niya pinahalata.

Agad na ikinasal ng hari sina Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na lamang ang gulat ng lahat.

Ngayong mag-aswa na tayo kailangan mong sumama sa aking kaharian, "ang wika ni Prinsipe Algori.

"Anong ibig mong sabihin?" ang nagtatakang tanong ng prinsesa.

Bigla, nabago aang anyo ni Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang buong katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa't bigla na lang nabago ang anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at nagkaroon pa ng buntot.

Hindi makapaniwala ang lahat, subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe Algori, na siya palang "Diyos ng mga hayop sagubat." At si Prinsesa Amapela ang kauna-unahang matsing sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging suplada at mapagmataas.

Kaya dapat nating tandaan na hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil ang higit na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.

Read more...

1

Alamat ng Pagong

Nakakita nab a kayo ng pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook na dalatan o katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa biglang-tingin ay tila munting plato 0 batingaw; may apat na paa, maikling buntot, mahabang leeg, at ulong sapad na lumabas-pumasok sa ilalim ng bao o pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon sa paniniwala, nagiging malilimutin ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit ang tiyak ay masarap ang atay at itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.

Si Gat Urong-Sulong ay matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay, matapos niyang landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing sandata ng Barangay Lumubog-Lumitaw.

Likas mandin na ang isang bagay ay mahalaga kung ito'y pinakikinabangan; ngunit kung lipas na at walang saysay, ano pa ang dahilan upang ito'y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na isa nang inutil, ay nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at pinaglingkuran. Hindi marahil magkakagayon kung di maagang namayapa ang dating puno ng barangay na si Lakan Dupil. Nagmistula siyang palaboy ng tadhana na walang nais kumandili.

Isang maliwanag at napakaganda ng gabi, ang buong Barangay Lumubog-Lumitaw ay nagdiriwang. Ipinagbubunyi nila ang pag-iisang dibdib nina Lakan Alamid at Dayang Matampuhin. Tanging si Gat Urong-Sulong ang nagmumukmok sa kalungkutan. Ang babaing una at huli niyang minahal ay nagtaksil sa kanya at sumama kay Gat Alamid na ngayon ay bagong lakan ng barangay. Iyan palang lalaki, masugatan man ang puso at dibdib, ang lahat ay mababata at matitiis; ngunit kapag dangal niya ang siyang nagkadungis sasabog ang lupa, babagsak ang langit!

At tinungo ni Gat Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng isang malapad na bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita, hanggang sa ang mga ito ay papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang napabuntung-hininga nang madama ng sarili ang masaklap na kasalukuyan. At nabuo ang isangpasiyang mapait. Kung ang puso niya'y bigo at sawi sa pag-ibig, ang lunas ay kagyat na pananahimik...! Humahalakhak at bumubulong ang hangin at ang laot ng dagat ay kumakaway at nag-aanyaya ng kamatayan! "Patawarin mo ako Bathala...!" usal ni Gat Urong-Sulong, "Tanging ito lamang ang lunas!" At siya'y tumindig...lumakad! Kumalabusaw ang tinig... papalayo... papalayo... patungo sa laot ng karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong ang kapaligiran, yumanig ang lupa...! Lumindol...! "Ha-ha-ha...!" ani Gat Urong-Sulong, "Ilakas mo pa at nang mamamatay kaming lahat...!" Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig! Kamuntik na siyang bumaligtad nang siya'y bundulin ng isang nagsusumagsag na munting alon! At sa dako pa roon ng dagat ay nakita niya na gumugulong, ang nakasisindak at naglalakihang mga alon...patungo...patungo sa dako niya at sa Barangay Lumubog-Lumitaw!

Umalikabok at uilandang ang mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo ni Gat Urong-Sulong! Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay...sa dakong kinalalagyan ng isang malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang gong...sunod-sunod, hataw-tunog, pandalas...mabilis! Ang "Pag-gong" na iyon ang tanging lunas upang mapatalastasan ang lahat sa napipintong panganib.

Bawat lakbay-tunog ay umalingawngaw sa buong barangay; sinagap at ipinagsalin-salin ng mga tambuli sa lahat ang nakagigimbal nitong hatid-patalastas na nagbabayad ng "Madaling Paglikas sa Burol!" Ang "Pag-gong" ni Gat Urong-Sulong ay patuloy...at patuloy din ang paglikas sa burol ng libu-libong nilalang. Makalipas ang ilang saglit ay bahagi na ng karagatan ang buong barangay nang sakmalin ito ng mga rumaragasang dambuhalang alon! "Salamat kay Gat Urong-Sulong! Kung hindi sa kanyang "Pag-gong" ay wala sinumang makaliligtas sa atin!"

Humupa na ang baha at nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-Sulong; nawawala rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.

Nalutas ang paghahanap ng mga tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang hayop sa lugar na dating kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop na iyon na ang talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya ang Pandita ng barangay. "Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating 'Pagong' mula ngayon, bilang pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang dakilang puso."

Read more...

1

Alamat ng Gagamba

Si Gamba ay isang manghahabi. Siya ang pinakamahusay sa lahat ng manghahabi sa kanilang komunidad.

Sapagkat alam niyang siya ang pinakamagaling, taas noo siya at walang sinumang pinapansin.<

"Ate, pahiramin mo naman ako ng karayom na pamburda mo. Pwede ba Ate?"

Galit na umangil si Gamba, "Lumayu-layo ka nga rito. Huwag mong mahiram-hiram ang pamburda ko. Baka masira lang ito, wala kang perang ipambayad dito. Layo!"

Napaiyak ang kapatid na babae ni Gamba. Naramdaman niyang hindi siya itinuturing na kapatid ng ate niya. Parang langit ang taas nito, napakahirap abutin.

Maya-maya, ang kapatid na lalaki naman ang lumapit kay Gamba.

"Ate, Ate tulungan mo naman ako. Pakisulsi mo namn ang napunit na kamiseta ko."

"Lumayo ka rito. Istorbo ka talaga. Doon ka sa Nanay magpasulsi. Walang ginagawa ang matandang iyan! Sige layo ka rito. Layo!"

Narinig ng ina ang mapagmataas na tinig ng anak. Nagpupuyos ang damdamin ng kahabag-habag na ina. Gusto sana niyang saktan si Gamba subalit nagpigil siya.

"Sumusobra ka na Gamba. Obligasyon mong pakitaan ng mabuting asal ang mga kapatid mo. Kung nanghihiram sila sa iyo, pahiramin mo. Kung humihingi sila ng tulong, tulungan mo. Hindi lang kapatid mo ang dapat pagpakitaan mo ng kagandahang-loob. Lahat ng nangangailangan ay dapat mong kalingain." Parang walang narinig si Gamba. Patuloy itong humabi ng tela mula sa mga sinulid na nasa ikitan niya.

Isang gabing inaaya si Gamba ng ina upang maghapunan, pagalit itong sumigaw, "Ano ba kayo. Iniistorbo na naman ninyo ako. Di ba ninyo nakikitang hindi pa ako tapos sa hinahabi ko?"

"Ba...baka magkasakit ka, iha, kung malilipasan ka sa pagkain."

"Wala kayong pakialam."

"Gamba," pagpigil ng mapagmahal na ina, "kasalanan sa Diyos ang pagtanggi mo sa pagkain."

"Ano bang kasa-kasalanan. Wala akong pakialam kung kasalanan man un. Inuulit ko. Pabayaan ninyo ako sa ginagawa ko!"

"Patawarin ka ni Bathala," luhaang sabi ng ina.

"Sana humabi ka na lang nang humabi," inis na hiling ng kapatid na babae ni Gamba.

"Oo nga humabi ka na lang nang humabi...humabi nang humabi," dugtong ng kapatid niyang lalaki.

Ang hiling ng magkapatid ay dininig ni Bathala. Sa isang makapangyarihang tinig ay narinig ng lahat ang galit Nito, Naging mapagmataas ka sa kaunting kaalamang bigay Ko sa iyo. Di mo kinakalinga ang mga kapatid na kailangang tulungan. Hindi mo rin binigyan ng puwang sa puso ang magulang mo! Pati na biyaya sa hapagkainang dulot Ko ay tinatalikuran mo. Bilang parusa, paghahabi na lang ang gagawin mo araw-araw, oras-oras, minu-minuto!"

Pagkasabi nito ay biglang nawalang parang bula si Gamba. Isang insektong paikut-ikot na humahabi ng sapot ang naiwan sa silyang kinauupuan ng dalaga.

Sa awa sa anak ay napahagulgol ang ina at marahang hinaplos nitoang insekto at tinawag na Gamba...Gamba.

Magmula noon si Gamba ay tinawag nang Gagamba na araw at gabi ay walang tigil sa paghabi hindi ng sinulid sa ikiran kundi ng sapot mula sa kanyang katawan.

Iyan ang pinagmulan ng alamat ng Gagamba.

Read more...

0

Alamat ng Butiki

Noong araw, sa isang liblib na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.

Ang ina; si Aling Rosa ay isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.

Ang anak; si Juan ay isang mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.

Maagang namatay ang asawa ni Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang anak na si Juan, na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.

Sa paglipas ng panahon, mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig na binata.

Si Aling Rosa an nanatili na lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.

Minsan, habang si Juan ay nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si Helena.

Si Helena ay lubhang kaaki-akit, kung kaya't agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan kay Helena, gabi na ito nang makauwi.

"O anak, ginabi ka yata ng uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon," ang wika ni Aling Rosa sa anak.

"Pasensiya na po, Inay! Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat," ang pagsisinungaling ni Juan.

Dumalas ang pagtatagpo ni Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga. Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.

"Hanggang ngayon ay hindi ko pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na ang huli nating pagkikita."

"Ngunit, bakit? Sabihin mo, paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig. Sabihin mo at kahit ano ay gagawin ko," ang pagsusumamo ni Juan.

"Maniniwala lamang ako sa pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga palad!" ang matigas na wika ni Helena.

Hindi makapaniwala si Juan sa narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Helena. Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi

Nang dumating si Juan sa kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon. Nagtungo ang mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina ni Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.

"Anak, bakit? Ngunit anupaman ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos! Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina," ang umiiyak na wika ni Aling Rosa.

"Dios ko po, Inay! Patawarin n'yo ako!" ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip. Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.

Kasabay niyon ay bigla na lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.

Mula sa malayo, natanaw ni Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.

Sa takot, dagling gumapang si Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.

Nakita rin ni Juan ang engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba't ibang uri ng kulisap at insekto, at naglaro sa paligid.

Agad na pinagkakain ng butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga halamanan bilang kulisap.

Nagsisi ng husto si Juan ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang mag-orasyon.

At haggang sa ngayon nga ay patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila ay mga engkanto.

Read more...

0

Alamat ng Aso

Noong panahon na bata pa ang mundo, ay may isang mag-anak ang tahimik at masayang namumuhay sa loob ng kakahuyan.

Ang ama; si Roque ay mabait at mapagkalinga sakanyang pamilya. Nagtatanim siya ng mga gulay at nanghuhuli ng mga hayop sa gubat upang kanilang pagkain.

Samantalang ang ina naman; si Magda siyang nag-aasikaso sa kanilang bahay at dalawang anak na sna Maria at Jose.

Minsan, nagulat ang pamilya sapagdating ni Roque mula sa mga pusang gubat nang ito ay maligaw. Inaalagaan nito ang pamilya.

At sa paaglipas ng panahon, nagging malakas na ang lalaki na nakilala nilang Damaso.

Isinalaysay ni Damaso na pinalayas siya ng kanyang amo dahil sa hindi niya nabantayan ang taniman nito ng ubaaas, nagging dahilan upang manakaw ang bunga ng mga ito. At sa kanyang paglayas, naligaw siya sa gubat at inatake ng maraming alamid.

Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay nila ito. Itinurig nila iting kapamilya at nakatulong pa si Roque sa pang-araw-araw na pahahanap ng pagkain.

Ngunit lingid kay Roque, may namumuong lihil na pagkagusto sina Magda at Damaso sa isa't isa.

At isang araw nga, nagpasya sina Damaso at Magda na tumakas at mamuhay sa ibang lugar.

Nag-iyakan ang dalawang bataang sina Maria at Jose.

"Ina, huwag mo po kaming iwan!" ang iyak ni Maria.

"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak ni Jose.

Ngunit hindi naapigilan sina Magda ng kanyang mga anak. Sumakay pa ri sila ng bangka at umalis na kasabay na agos no ilog.

Lalong nag-iyakan ang dalawang bata. Nais sanang magbago ng isip si Magda, ngunit nanaig ang kanyang pagkagusto kay Damaso.

Mula sa malayo, anong gulat nila Magda nang makitang nagtalunan sa ilog sina Maria at Jose upang humabol.

Napatayo si Magda sa bangka, dahil alam niyang hing marunong lumangoy ang dalawang bata.

Siyang pagdating ni Roque, na agad ding tumalon sa ilog upang iligtas ang mga anak. Ngunit lumakas ang agos ng ilog, at napailalim sat big ang mag-aama.

Mula sa malayo, natanaw nina Magda at Damaso ang pangyayari. At sising-sisi ang dalawa sa kanilang nagawa, lalo pa't hindi na nila nakitang pumaimbabaw sa tubig ang mag-aama.

Bigla, mula sa tubig ay isang babae ang lumutang sa hangin.

"Masahol pa kayo sa mga hayop! Dahil sa inyong makasariling pagnanasa ay nagawa ninyong saktan ang ibang tao. Dapat lamang kayong maging kauri ng hayop," ang wika ng babaeng diwata pala ng ilog.

Bigla ang pagbabago ng anyo ni Magda at Damaso.Ang kanilang katawan ay napuno ng balahibo, humaba ang kanilang mga nguso, tumalim ang mga ngipin at nagkapangil, bagkus ay ungol at kaktwang ingay ang lumalabas sa kanilang bibig.

"Mananatili kayo sa ganyang anyo, hangga't ikaw Damaso, ay hindi natutong tumanaw ng utang na loob sa tong nagpapala sa iyo. At ikaw Magda, hangga't hindi mo naipapakita ang tunay mong pagmamahal sa iyong mga magiging aaanak," at nawala na ang diwata pagkawika niyon.

Ang dalawang isinumpa ay namuhay sa kakahuyan. Nagkaroon sila ng maraming anak. Sila ang unang angkan ng mga aso sa daigdig.

At sa pagdami ng mga tao, ang mga aso ay naging alaga nila sa kanilang mga tahanan.

At hanggang ngayon nga ay pinatutunayan pa rin ng mga aso na sila ay tapat sa kanilang mga amo.

Binabantayan nila ang mga bahay ng kanilang amo at ipinagtatanggol ang mga ito samga kaaway, upang patunayan na tumatanaw sila ng utang na loob, sapagkat umaasa pa rin silang mawawala ang sumpa ng diwata.

Ang mga inahing asonaman ay labis na binabantayan ang kanilang mga tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal sa kanilang mga anak.

Kaya't maging maingat tayong makasakit ng iban tao, lalo na ang nagpapala o tumutulong sa atin, sapagkat may kaparusahan sa mga taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob na tulad ni Damaso, at ganun din sa mga taong hndi marunon magmahal na tulad ni Magda.

Read more...

 
Copyright © Pinoy Alamat

The "Urban Elements" theme by: Press75.com

Converted into Blogger by Intro Blogger